Magsasagawa ang National Telecommunications Commission (NTC) ng tests sa internet connection sa iba’t ibang lugar simula ngayong Oktubre para malaman kung gaano kabilis ang inaalok na internet connection ng bawat Telecommunications company. Tanging sila lamang ang nakakaalam kung saan at kailan ito gaganapin.

Ayon kay Director Edgardo Cabarios, kada buwan nila ilalabas ang resulta ng test. Papatawan ng karampatang multa (penalty) ang kumpanyang mapapatunayang hindi nakakapagbigay ng naturang bilis ng internet ayon sa nakapangako sa kanilang advertisement.

Source: Umagang Kay Ganda (Abs-cbn)

Comments

comments