Anonymous:

Nakapunta ako dito sa America noong September 2013. Penitisyon po ako ng misis ko. Ang problema ko pa ay gusto niya akong pauwiin sa Pilipinas kasi di na kami magkasundo. Lagi kaming nag-aaway dahil binabalewala ko daw siya.

Sinabi niya na ginagamit ko lang siya para makapunta dito sa America. Natatakot po ako kasi anytime daw na gusto akong pauwiin ay tatawagan daw niya ang immigration at ipapadeport niya ako.

Kaya nakiusap ako na kung pwede, huwag niya akong papauwiin kasi naguguluhan na ako kasi wala pa ang greencard ko at gusto na niya akong pauwiin.

Ano po ba ang maganda kong gawin? Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi pa ako lumalabas sa facility na pinagtatrabahoan ko kasi natatakot ako na baka may masamang mangyari sa akin.

Atty. Tancinco:

Nakakalungkot naman ang sitwasyon ninyong mag-asawa. Marami akong naririnig na ganitong kaso kung saan kapag nag-aaway ang mag-asawa ay tinatakot ng deportation ang penitisyon na asawa. Gusto ko lang liwanagin na may pagkakaiba ang Bad Marriage sa Fraudulent Marriage .

Ang katunayan nito, ang Fraudulent marriage ay maaaring maging dahilan para  ma-deport  ang isang taong penitisyon. Ibig sabihin ng fraudulent marriage ay marriage for convenience lamang ang pagsasama para magka-greencard.

Ngayon naman, kung bad marriage ito, ibig sabihin, totoo ang naging pagsasama bilang  mag-asawa kaya lang hindi ito magkasundo.

Ang isang Bad Marriage ay hindi pwedeng maging dahilan para mapadeport ang asawang penitisyon. Kung ikaw ay napetisyon na at naghihintay nalang ng greencard mo, hindi naman nangangahulugan na madedeport ka. Kaya huwag kang matakot kung totoo naman ang naging pagsasama ninyo bilang mag-asawa.

Hintayin mong ma-issue ang greencard mo.

Salamat sa inyong katanungan at goodluck!

Ito po si atty. Lou Tancinco para sa Pinoy Panawagan.

 

 

Comments

comments