Usapang Pinas

Kris Aquino Pinaghahanap Ng Mga Marites Sa Texas? Bakit?

Nahanap kaya ng mga Marites si Kris Aquino sa Texas?

Ayon sa chikahan ng pambansang Marites na sina Cristy Fermin, Romel Chika at Morlie Alinio, ang mga Pilipino raw ay abala sa paghahanap kay Kris Aquino sa Texas, United.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na si Kris Aquino ay mayroong malubhang karamdaman ngayon, at kinakailangan siyang ilipad sa Amerika dahil ang tanging makakagamot sa kanyang karamdaman umano ay ang mga expertong doktor, gamot at kagamitan ng isang ospital sa Houston Texas.

City Guide for Vienna

Sanay ang mga tao na maingay si Kris Aquino sa social media kahit siya ay nanghihina na, lalong-lalo na nitong nakaraang 2022 Presidential Elections. Bukod sa panay-panay na pagpopost niya sa social media tungkol sa eleksyon ay nakuha pa rin niyang magbiyahe at pumunta mismo sa ilang campaign rallies at sumampa pa sa stage. Bago siya umalis papuntang Amerika at hanggang sa pagdating niya doon ay panay pa rin ang pag-iingay na niya sa social media.

Naaawa ang mga Pilipino sa kalagayan niya at taimtim na nananalangin para sa kanyang agarang pag galing bashers man o suppoter. Subalit, sa kabila ng kanyang malubhang karamdaman ay nagagawa pa rin niyang bumanat sa social media sa halip na magpapahinga na lamang at iwasang ma-stress.

Dahil sa kanyang patuloy na pag-iingay sa social media ay sa halip na maawa ang ibang tao ay naiinis na. Nananawagan ang mga tao na magpahinga nalang siya at huwag na munang mag social media. Nitong mga nakaraang araw ay medyo nananahimik na si Kris sa social media. Dahil sa kanyang pananahimik ay hinahanap naman siya ngayon ng mga tao kung nasaan na ba siya. Nasa Texas ba talaga siya? Ano na ba ang nangyayari sa kanya ngayon?

Umaasa tayo na sana mabigyan ng agarang lunas ang malubhang karamdaman ni Kris Aquino at manumbalik na ang kanyang dating katawan at kalusugan.

Exit mobile version